UNHCR believes in the transformative power of storytelling. We are inviting families displaced by last year’s conflict in Marawi to share their perspective and tell their own story. By sharing their narratives, we are able to transcend challenges and build a better future filled with hope.
Together #WithRefugees, UNHCR Philippines amplifies the voices and empowers families and communities forced to flee their homes.
The deadline for photo submission is on 8 June 2018. We invite you to share your story with us.
BACKGROUND
Over the last two years globally, UNHCR, the UN Refugee Agency, has rolled out the #WithRefugees campaign to build solidarity for refugees and forcibly displaced families—some of the most vulnerable people of our time. In the Philippines, UNHCR has culminated the campaign every year on June 20, World Refugee Day.
This 2018, UNHCR will mark World Refugee Day with Liwanag ng Marawi, a photo exhibit that aims to build stronger solidarity for families who were forced to leave everything behind because of the conflict.
UNHCR is inviting persons displaced by the conflict to send photos they took during and after the conflict. We are interested in showcasing photos which portray the conflict and the ensuing displacement through the eyes of those forced to flee.
The selected entries will be announced on 19 June 2018 to mark the weeklong commemoration of World Refugee Day. The chosen photos will be displayed in a rolling photo exhibit from 19 to 22 June 2018 in Iligan City and Marawi City.
MECHANICS
Title: Liwanag ng Marawi
Tagline: Exhibiting a new light on families displaced by the Marawi conflict
Theme: Saving lives, safeguarding rights, and building better futures for families forced to flee
The categories are: (1) The journey of fleeing, (2) Moments of hope, and (3) Rebuilding after the conflict.
Timeline: UNHCR will accept entries from 23 May to 8 June 2018. The deadline for online submission of entries is extended to 8 June 2018 at 5:00 pm.
Participants: The call for photos is open to persons who experienced fleeing their homes in Marawi City or its neighboring towns due to the conflict in Marawi City which started on 23 May 2017.
Submission of Entries:
- Each participant is allowed to submit one (1) entry only.
- All entries must be submitted via email to [email protected]. Submissions made through other means will be disqualified.
- Entries shall include a photo caption and information about the photographer, namely: Name, address, age, date of birth, and contact number.
- The photo caption must be in English, Filipino or Maranao. It must describe what is happening in the photo, and must identify when (Month and Date) and where the photo was taken.
Photo Requirements:
- Images can be in color or black and white. Portraitraiture, landscape, and still life are accepted.
- It shall have minimal color correction. No photo manipulation will be allowed. This includes oversaturation, graphic design, cloning, addition of gradients or texts. Cropping, rotation, and adjustments on sharpness are acceptable.
- The photo must be submitted in JPEG or .jpg format, with the longest side of the photo at least 1,200px. We recommend that the photo submitted is in its highest resolution possible.
- The photos can be shot using any mobile device or digital camera, provided that the entry follows the specified format.
- No watermarks or additional texts (apart from those already included within the image) on the photo. No brands must be seen in the photo.
- The image must be authentic. Photos with humans shall not be posed or heavily directed.
- The photograph must not have been previously published or used for commercial purposes. The photographer must own the full rights of the photo.
- The photo shall have no images of government officials or other governing bodies.
- The entries must be culturally-sensitive, with respect for the dignity of all persons. It shall contain no obscene or offensive content.
- Photos must be taken from 23 May 2017 onwards.
Terms and Conditions:
By submitting photos, the participant attests that the photograph is his original work and that no other party has any right, title, claim or interest in the photo. The participant also indicates full permission granted to UNHCR to use the photos with credit to the photographer in the exhibit proper, publicity efforts, and/or other media arrangement for World Refugee Day 2018 without any remuneration being due.
The participant is solely responsible for securing consent from subjects in the photo. UNHCR will not be held responsible for the participant’s inability to secure permission or consent.
CRITERIA
The criteria for selection of photos for the exhibit will be as follows:
- Adherence to the theme (30%)
- Innovative means of delivering the message (30%)
- Inspirational power (20%)
- Visual appeal (20%)
Naniniwala ang UNHCR sa likas na kakayahang makapagbago ng bawat kuwento. Nais naming ibahagi ang pananaw at kuwento ng mga taga-Marawi. Sa ating pagsasalaysay, nalalampasan natin ang mga pagsubok sa buhay at nakakapagbuo tayo ng mas mabuting kinabukasan.
Sa aming paninindigan kasama ng refugees at internally displaced persons (IDPs), ang UNHCR Philippines ay nagpapatibay ng boses at buhay ng mga napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Ang huling araw ng pagsumite ng mga larawan ay sa ika-8 ng Hunyo 2018. Iniimbitahan namin kayong magbahagi ng inyong kuwento.
Sa paggunita ng World Refugee Day, ilulunsad ng UNHCR Philippines ang isang photo exhibit sa linggo ng ika-20 ng Hunyo bilang pakikiisa sa #WithRefugees, isang kampanya na nagpapakita ng pakikisama para sa mga taong pilit na lumikas.
Iniimbitahan ang mga taong nakaranas ng pagbakwit dahil sa Marawi conflict na magpadala ng mga larawang sila mismo ang kumuha noong kasagsagan ng digmaan pati na rin habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng Marawi City na nagpapakita ng imahe ng paglikas mula sa mata ng mismong mga nabakwit.
Ang mga mapipiling larawan ay magiging bahagi ng rolling photo exhibit mula ika-19 hanggang 22 ng Hunyo 2018 sa mga lungsod ng Iligan at Marawi.
ILANG PATNUBAY
Title: Liwanag ng Marawi
Tagline: Isang eksibisyon ng mga imahe mula sa pananaw ng mga lumikas dahil sa Marawi conflict
Tema: Pagligtas ng buhay, Pangangalaga ng mga karapatan, at Pagbuo ng mas mabuting kinabukasan
Ang mga kategorya: (1) Sariling karanasan ng paglikas; (2) Pagtuklas ng pag-asa; at (3) Muling pagbangon matapos ng armadong sagupaan sa Marawi. Kailangang magpakita, maglarawan, at magpatibay ang mga larawan kung paano makatitindig muli mula sa Marawi conflict.
Timeline:
Inaasahang maisumite ang lahat ng mga litrato mula ika-23 hanggang 8 ng Hunyo 2018. Maaari lamang magsumite online sa o bago ang ika-5:00 n.h., 8 Hunyo 2018. Ang mga larawang matatanggap pagkalipas nito ay diskuwalipikado sa pakikilahok.
Mga Kalahok:
Inaanyayahang makilahok ang mga taong nakaranas ng paglikas at/o pagbabakwit mula sa Marawi City o sa mga kalapit nitong mga bayan dahil sa labanan na nagsimula noong ika-23 ng Mayo 2017.
Pagsumite ng mga Larawan:
- Isang (1) larawan lamang ang puwedeng isumite ng bawat kalahok.
- Lahat ng mga larawan ay dapat isumite online sa [email protected]. Ang mga larawang isinumite gamit ang ibang paraan ay hindi tatanggapin.
- Kailangang may kasamang photo caption at impormasyon ukol sa kumuha ng larawan, katulad ng: Pangalan, tirahan, edad, petsa ng kapanganakan, at telepono/contact number.
- Maaaring isumite ang caption sa Ingles, Filipino, o Maranao. Kailangan nitong isalaysay kung ano ang nangyayari sa larawan, at dapat nitong itala kung kailan (Buwan at Araw) at saan kinuha ang larawan.
Mga Panuntunan sa Pagkuha ng Larawan:
- Maaaring may kulay o black and white ang larawan. Ang mga kuha ng tao (portrait), kapaligiran (landscape), o kagamitan (still life) ay maaaring isumite.
- Ang mga litratong may minimal na color correction lamang ang maaaring isumite. Walang pagbabago o manipulasyon ang maaaring ilapat sa imahe, tulad ng: labis na pagbago sa kulay; pagdagdag ng teksto, ilustrasyon o graphic design; pagbura ng mga elementong biswal na kabilang sa litrato; at (ngunit hindi limitado sa) paggamit ng cloning tool. Gayunpaman, tatanggapin ang pagbago ng sharpness, rotation at ang paggamit ng crop.
- Kailangang isumite ang larawan sa JPEG or .jpg na format, kung saan ang pinakamahabang panig ay may habang kahit 1,200px. Ipinapayo naming magsumite ng larawan sa pinakamataas nitong resolusyon.
- Ang mga larawang ito ay maaaring kinuha gamit ang cellular phone, smartphone o kahit anong digital camera, basta sumusunod ito sa rinerekomendang format.
- Walang watermark o pangalan ng kumuha na idinagdag sa imahe.
- Ang imahe ay makatotohanan. Matapat nitong inilalarawan ang mga tao at kaganapang kasama sa kanilang personal na karanasan ng paglikas.
- Ang larawan ay walang komersyal o pulitikal na layon. Ito rin ay hindi dapat nagpapakita ng mga opisyal ng gobyerno o institusyon. Ang kumuha ay ang may lubos na karapatang intelektuwal sa larawan.
- Ang kumuha ay sensitibo at may pagrespeto sa kultura. Kinikilala nito ang dignidad ng tao.
- Kinakailangang ang mga larawan ay kinuha mula ika-23 May 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Mga Tuntunin at Kondisyon:
Sa pagsumite ng larawan, ang kalahok ay nagpapatunay na ang larawang kanyang isinumite ay kanyang orihinal na gawa, at walang ibang partido ang may karapatan, interes, o claim sa larawan. Ang mga kalahok ay nagbibigay ng buong pahintulot sa UNHCR na gamitin ang mga larawan sa mismong rolling exhibit, mga publications, at/o iba pang mga media arrangement para sa World Refugee Day 2018, na may full credit sa taong kumuha nito nang walang kabayarang inaasahan.
Ang mga kahalok ang responsable na humingi ng pahintulot mula sa mga taong paksa ng larawan. Hindi pananagutan ng UNHCR ang hindi paghingi ng permiso mula sa mga taong kabilang sa litrato ng mga kalahok.
PAMANTAYAN SA PAGPILI
Ang pamantayan para sa pagpili ng mga larawang maisasama sa photo exhibit ay:
- Kaugnayan sa paksa/tema (30%)
- Natatanging paraan ng paghatid ng mensahe (30%)
- Hikayat sa publiko (20%)
- Linaw ng kaisipan at husay ng kuha (20%)